— Laganap na talaga ang freelancing dito sa bansa. Kung dati, pang-puno lang sa oras, ngayon, isa na siyang legit na career option para sa maraming Pinoy. Ayon nga sa Philippine Institute for Development Studies, tumaas ng 208% ang freelance earnings sa bansa noong 2020. Ang laki ng opportunities, 'di ba?
Pero siyempre, may kasamang mga hamon din ito—lalo na pagdating sa financial management. Minsan, mas mahirap i-track ang kita at gastos lalo na kung iba't ibang kliyente ang hawak mo. Dito pumapasok ang mga digital finance tools, tulad ng bagong BDO Online App. Malaking tulong ito para sa mga freelancers para mas ma-streamline ang kanilang mga finances at maabot ang kanilang financial goals nang mas mabilis.
Kaya kung nag-iisip ka ng side hustle o gusto mo nang mag-full-time freelancing, ito na ang tatlong pinaka-in-demand na gigs ngayon, plus kung paano makakatulong ang BDO Online app sa mas secure at convenient na pag-manage ng pera mo:
1. Virtual Assistance
Isa ka bang organized na tao? Kung oo, pwede kang maging virtual assistant! Ang trabaho ng VAs ay hindi lang tungkol sa pag-handle ng calls o customer service. Kadalasan, tumutulong sila sa mga businesses sa mga bagay tulad ng email management, appointment setting, at iba pang admin tasks—kahit international pa ang kliyente!
Para ma-track ang iba’t ibang payments mo mula sa kliyente, mahalaga ang mabilis at easy access sa accounts at cards mo. Sa BDO app, pwede mong iset-up ang recurring payments at transfers para sa bills o savings mo. Para di ka na rin malito, pwede mo i-manage ang Send Money transactions mo—whether sa sarili mong BDO account or sa ibang BDO account. Mas madali rin mag-track ng income at expenses with the app’s electronic Statement of Accounts para sa Checking Accounts at Credit Cards mo.
2. Graphic Design
Kung visual artist ka naman, ang pag-freelance bilang graphic designer ang isa sa mga patok na side hustle ngayon. Puwede kang gumawa ng logos, ads, at social media content para sa iba't ibang brands.
Pero syempre, may kailangan kang i-budget para sa mga tools—mga design software, editing apps, at storage services like Google Drive. At kapag may kailangang bayaran, mas convenient na gawin ito via BDO Online. Pwede kang mag-transfer ng funds securely to other banks or e-wallets gamit ang InstaPay for just P10. Siguraduhin mo rin na safe ang transactions mo gamit ang biometrics o PIN!
At para ma-prevent ang fraud, kaya mong i-lock o unlock ang BDO debit o credit card mo gamit ang app—pwede ka pa mag-set ng card limits to control your spending. Safety first, ‘di ba?
3. Freelance Writing
Kung mahilig ka sa pagsusulat, subukan mo ang freelance writing! Isa itong popular na gig kung saan pwedeng gumawa ng content para sa websites, blogs, or marketing materials. Minsan, problema lang talaga ang mga sabog na deadlines at hindi regular na bayaran.
Pero good news, kasama rin dito ang BDO Online app para i-manage ang finances mo. Pwede mong i-oversee lahat ng BDO accounts mo—whether savings, checking, or credit cards—para mas maayos ang mga transactions mo at makapag-focus ka sa writing tasks mo.
Control Your Finances with Ease
Sa dami ng features ng bagong BDO Online app, makakaramdam ka ng peace of mind sa pag-manage ng finances mo. Lalo na ngayon na enhanced na ang security features ng kanilang cards para mas protected ka laban sa fraud.
Kaya go ahead, i-pursue mo ang mga side hustle dreams mo. With BDO Online, pwede kang kumita ng mas malaki at maabot ang financial goals mo—all while working from home!