— Mahigit 400 na Pinoy ang nagkaroon ng HIV dahil sa bayad na pakikipagtalik, ayon sa ulat ng Department of Health (DOH).
Sa HIV at AIDS surveillance report ng DOH, 404 na bagong kaso ng HIV o 12 porsyento ng kabuuang diagnoses sa unang quarter ng taon ay resulta ng transactional sex.
Sa nasabing bilang, 194 katao ang naiulat na nagbayad kapalit ng sex—192 lalaki at 2 babae.
May 129 na kaso kung saan ang pasyente ay tumanggap ng pera kapalit ng pakikipagtalik, at karamihan dito ay kalalakihan (124).
Samantala, 81 ang naiulat na nakipag-sex para sa pera o bayad na kapalit ng sex, kung saan 76 ay lalaki at 5 ay babae.
Simula noong Disyembre 2012, umabot na sa 14,219 ang HIV cases na may kinalaman sa transactional sex, ayon pa rin sa DOH. Hinati ito sa 7,346 na nagbayad, 4,634 na tumanggap ng bayad, at 2,239 na parehong nagbayad at tumanggap ng bayad para sa sex.