CLOSE

Alex Eala Umangat sa Bagong Career-High WTA Rankings

0 / 5
Alex Eala Umangat sa Bagong Career-High WTA Rankings

Si Alex Eala ay umabot na sa kanyang bagong career-high ranking na 155 sa Women's Tennis Association (WTA), isang malaking pag-angat mula sa No. 162 dalawang linggo na ang nakaraan.

Dahil sa inspirasyon ng kanyang bagong WTA world rank-high dalawang araw na ang nakalipas, si Eala at ang kanyang French partner na si Estelle Cascino ay nakarating sa W100 Vitoria-Gasteiz doubles quarterfinal matapos talunin ang mga home bets at magkapatid na Carolina at Jimena Gomez, 6-3, 6-2, noong Martes (oras sa Manila) sa Espanya.

Nilampaso nina Eala at Cascino ang mga Spanish siblings sa loob lamang ng 56 minuto upang makaharap si Victoria Bervid ng Czechia at Laura Mair ng Italy sa Miyerkules.

Ang 19-anyos na Pinay tennis prodigy ay nanalo ng doubles title kasama ang kanyang French partner sa W75 Croissy-Beaubourg sa France noong Marso.

Si Eala ay sasabak din sa W100 Vitoria-Gasteiz singles event sa Miyerkules laban kay Lian Tran ng Netherlands.

Kamakailan lang, nabigo ang batang Pinay sa Wimbledon main draw matapos matalo kay Lulu Sun ng New Zealand, 7-6(3), 7-5, sa final round ng qualifier noong nakaraang buwan.

READ: Eala Nabigo Kontra New Zealander, Mintis sa Wimbledon