CLOSE

Algerian Boxer Imane Khelif Panalo sa 46 Segundo sa Paris Olympics

0 / 5
Algerian Boxer Imane Khelif Panalo sa 46 Segundo sa Paris Olympics

Imane Khelif ng Algeria, na-diskwalipika noon dahil sa gender test, nanalo ng mabilis na laban sa Paris Olympics sa loob ng 46 segundo.

– Nagningning ang Algerian boxer na si Imane Khelif, matapos manalo sa kanyang unang laban sa Paris Olympics sa loob lang ng 46 segundo nitong Huwebes.

Matapos ang dalawang malakas na suntok kay Angela Carini, umabante si Khelif sa quarterfinals ng women's 66kg category. Si Carini, na labis na nasaktan, ay di pinansin ang pakikipagkamay ni Khelif at lumuhod na umiiyak. Ayon sa Italian coach, nabali umano ang ilong ni Carini at ang opisyal na desisyon ay abandonment.

Si Khelif at si Lin Yu-ting ng Taiwan, na maglalaban sa Biyernes sa 57kg, ay parehong na-disqualify sa world championships noong nakaraang taon pero pinayagang lumaban sa women's competition sa Paris. Sa Tokyo Olympics, parehong lumaban ang dalawa sa women's event.

Ayon sa website ng IOC para sa accredited media, ang 25 taong gulang na si Khelif ay na-disqualify noong nakaraang taon dahil sa mataas na testosterone levels na di umabot sa eligibility criteria. Umabot naman ng pang-lima si Khelif sa Tokyo.

Masigabong palakpakan ang sinalubong kay Khelif sa North Paris Arena mula sa mga tagasuportang Algerian na may dalang bandera ng bansa. Pinangalad siya bago at habang tumatakbo ang maikling laban, pero tapos agad ang aksyon.

Noong Huwebes din, kinondena ng Olympic Committee ng Algeria (COA) ang anila'y "malicious at unethical attacks" laban kay Khelif mula sa ilang banyagang media. Tinawag ng COA na kasinungalingan ang mga paratang.

"Kasama mo kami, Imane," dagdag pa ng COA. "Buong bansa ang sumusuporta sa'yo."

Noong 2023 world championships sa New Delhi na pinamamahalaan ng International Boxing Association (IBA), si Lin ay natanggalan ng bronze medal matapos sumailalim sa "biochemical" tests. Pero ang International Olympic Committee ang nangangasiwa ng boxing sa French capital dahil sa governance, financial at ethical issues sa IBA.

Ayon kay IOC spokesman Mark Adams, "Lahat ng nagkokompetensya sa women's category ay sumusunod sa competition eligibility rules. Nasa passport nila na sila'y mga babae."

Isang babaeng boksingero sa Games, si Caitlin Parker ng Australia na nasa 75kg weight class, ang nagsalita tungkol sa kontrobersiya. Aniya, "Di ako sang-ayon sa pinapayagan 'yan, lalo na sa combat sports dahil napaka-delikado."

Masasabing ang laban ni Khelif sa Paris ay isa sa mga pinaka-maikling laban sa kasaysayan ng Olympics.