— Parang pasabog ang balitang kumakalat ngayon—tila aalis na nga si Eya Laure mula sa Chery Tiggo Crossovers! Grabe ang ingay sa buong volleyball community dahil dito, lalo na’t si Eya ang pinaka-hot na free agent sa merkado ngayon. Kumbaga, lahat ng PVL teams gustong makuha ang services ng star player ng Alas Pilipinas.
Hindi lang si Eya ang balitang aalis. Pati ang ate niyang si EJ Laure, isang veteran spiker, at si Buding Duremdes, ang libero ng team, ay kasama rin sa usap-usapan na lilipat ng team.
Sa ngayon, halos lahat ng PVL teams ay nagpahayag ng interest para makuha si Eya, na nagpakitang-gilas bilang isa sa pinakamahuhusay na players sa liga. Parang bidding war na nga ang nangyayari para makuha siya!