Nasa bingit ng pagkatalo si Arcilla sa iskor na 4-5 at 30-40 sa third set, ngunit ipinakita niya ang matinding determinasyon at pusong palaban upang makuha ang kamangha-manghang panalo at idagdag sa kanyang malawak na koleksyon ng mga tropeo.
Di natapos doon ang matagumpay na weekend ni Arcilla; kinasama niya si Francis Alcantara upang talunin sina Olivarez at Bryan Saarenas sa doubles final, 5-7, 6-4, 10-5. Ang torneo ay pinangunahan at sinusuportahan ng pamilyang Olivarez.