CLOSE

Atletang Ayala: 19 pinoy athletes ang napili

0 / 5
Atletang Ayala: 19 pinoy athletes ang napili

Pinoy athletes handang magtagumpay sa Atletang Ayala program, hatid ng Ayala Foundation para sa sports training at career growth ng ating pambansang manlalaro.

— Napili na ang 19 na natatanging atleta ng Pilipinas para sa Atletang Ayala program ng Ayala Foundation—isang programa na nagbibigay ng suporta para sa sports training ng mga atleta kasabay ng career opportunities sa Ayala Group.

Iba’t ibang atleta ang kabilang sa bagong batch ng Atletang Ayala, mula sa mga lumahok sa Tokyo 2021, Paris 2024 Olympics, at 2024 Paris Paralympics. Isang kilalang pangalan dito si Joanie Delgaco, unang babaeng rower na nag-representa sa Pilipinas sa Paris Olympics. Sabi niya, “Malaking tulong ang Atletang Ayala sa training ko, lalo na’t may suporta pa sa pagtatrabaho sa Ayala Group para sa dagdag na skills at kaalaman.”

Nagpahayag din si Allain Ganapin, na sumabak sa taekwondo sa 2024 Paralympics, na ang programa’y nakatutulong sa kanilang training, kondisyon, at nutrisyon para maabot ang pangarap na Olympic o Paralympic medal.

Kasama nila sa listahan sina Amparo Acuña (shooting), Kurt Barbosa (taekwondo), Jason Baucas (wrestling), Abby Bidaure (archery), Baby Canabal (taekwondo), Janna Catantan (fencing), Dave Cea (taekwondo), Allaine Cortey (fencing), Laila Delo (taekwondo), John Ferrer (judo), Veronica Garces (taekwondo), Leah Jhane Lopez (judo), Noelito Jose Jr. (fencing), Nathaniel Perez (fencing), Franchette Quiroz (shooting), Jonathan Reaport (archery), at Sammuel Tranquilan (fencing).

Ayon kay Jaime Alfonso Zobel de Ayala, CEO ng AC Mobility: “Sa Atletang Ayala, layon ng Ayala Group na magbigay inspirasyon sa mga Pilipino na magpatuloy sa kanilang athletic dreams at pagkaisahin ang bansa sa pamamagitan ng sports.”

Idinagdag ni Ayala Foundation President Tony Lambino: “Ang Atletang Ayala ay investment ng grupo para sa susunod na henerasyon ng mga sports leaders na mag-aangat ng Pilipinas.”