CLOSE

Aurora Gaming, Sasabak na sa MPL Philippines

0 / 5
Aurora Gaming, Sasabak na sa MPL Philippines

Aurora Gaming papasok sa MPL PH Season 14 kasama ang V33wise duo, pasabog na debut sa MLBB, opisyal na roster iaanunsyo sa Parañaque.

– Exciting times are coming as Aurora Gaming makes its grand entrance into the Mobile Legends Bang Bang Professional League (MPL) Philippines sa paparating na Season 14.

Kinuha ng Aurora Gaming ang slot na iniwan ng Minana EVOS, na nagpaalam sa liga earlier this month. Sa kanilang Facebook page, ipinahayag ng Aurora Gaming na ang kanilang team ay pamumunuan ng royal duo na sina Johnmar "OhMyV33nus" Villaluna at Danerie "Wise" Rosario, mas kilala bilang V33wise duo.

Sina Villaluna at Rosario, dating bahagi ng Blacklist International, ay nagmarka sa kasaysayan ng MPL Philippines sa pamamagitan ng pagkuha ng tatlong MPL Philippine titles at isang M3 World Championship crown noong 2021.

Aurora Gaming, isang Serbian esports organization na itinatag noong 2022, ay dati nang sumabak sa Apex Legends Global Series (ALGS). Noong 2023, kanilang nakuha ang dating Dota2 roster ng Talon Esports at ngayon ay may mga teams na lumalaban sa Counter-Strike 2 (CS2) at Warcraft.

Ang pagsali ng Aurora sa MPL PH Season 14 ay unang beses nilang pagsabak sa MLBB scene.

Bukod kina Villaluna at Rosario, ang opisyal na roster ng Aurora Gaming ay iaanunsyo sa isang offline event sa 6 p.m. ng Hulyo 27 sa PARQAL Mall sa Parañaque.