CLOSE

Babala sa Publiko: Pekeng Paracetamol (Biogesic®) 500mg Tableta Kumakalat!

0 / 5
Babala sa Publiko: Pekeng Paracetamol (Biogesic®) 500mg Tableta Kumakalat!

Alerto ang FDA sa pekeng Paracetamol (Biogesic®) 500mg tableta na delikado sa kalusugan. Huwag bumili mula sa hindi lisensyadong tindahan!

— Nagbigay babala kahapon ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko ukol sa pagkakaroon ng pekeng bersyon ng isang kilalang gamot para sa lagnat na nabibili ng walang reseta.

Ayon sa FDA advisory, may lumalabas na counterfeit version ng Paracetamol (Biogesic®) 500 mg tablet.

Napansin ng FDA na ang lot number, hitsura ng kapsula, knurling, at print appearance ng pekeng Biogesic ay iba sa mga katangian ng rehistradong produkto.

Nagbigay-diin ang FDA na ang pag-inom ng pekeng gamot ay posibleng magdulot ng panganib sa kalusugan.

"Pinapaalalahanan ang mga healthcare professionals at ang publiko ukol sa pagkalat ng pekeng gamot na ito sa merkado, na posibleng magdulot ng pinsala sa kalusugan," ayon sa advisory.

Inutusan ng FDA ang mga botika na huwag magbenta o mag-dispense ng pekeng gamot.

Binigyang-diin din ng ahensya na ang pag-aangkat o pagbebenta ng ganitong mga produkto ay labag sa Republic Act 9711 o Food and Drug Administration Act at RA 8203 o Special Law on Counterfeit Drugs.

Hinimok ng FDA ang mga local government units at law enforcement agencies na siguraduhing walang pekeng gamot na mabebenta sa kanilang nasasakupan.

Pinaalalahanan ng ahensya ang mga mamimili na bumili lamang ng mga gamot mula sa mga FDA-licensed na tindahan.

Mag-ingat at maging mapanuri!