— Matagal-tagal na rin nating inaabangan ang pagbabalik ni Justin Brownlee at eto na nga, magbabalik aksyon siya kasama ang mga bagong mukha ng Barangay Ginebra sa Macau International Basketball Challenge ngayon.
Ang laban ay magsisimula ng 8:30 p.m. sa Tap Seac Multi-Sports Pavilion, kung saan haharapin ng Gin Kings ang P.League+ champion na New Taipei Kings ng Taiwan para sa isang exhibition game.
Si Brownlee, na kilala rin bilang naturalized player ng Gilas Pilipinas, ay magbabalik sa kanyang dati nang papel bilang resident import ng Ginebra bilang bahagi ng kanilang paghahanda para sa PBA Season 49 na magsisimula sa Commissioner’s Cup sa Agosto 18 sa Smart-Araneta Coliseum.
Bagamat hindi nakapaglaro si Brownlee noong nakaraang season dahil sa kanyang FIBA suspension, inaasahan na ipapakita niya muli ang kanyang husay bilang six-time PBA champion at three-time Best Import awardee.
Pero ngayon, makakasama niya ang mga bagong kakampi tulad ni No. 3 rookie pick RJ Abarrientos, rising star big man Isaac Go, last season’s Rookie of the Year Stephen Holt, at slotman Ben Adamos.
READ: Brownlee, Balik-Gilas sa Macau; Bagong Kings Sasabak