CLOSE

Bagong LPA Nakita sa Luzon — PAGASA

0 / 5
Bagong LPA Nakita sa Luzon — PAGASA

Dalawang LPA namataan sa Luzon—walang direktang epekto, pero habagat magdadala ng ulan sa Visayas at Southern Luzon. #WeatherUpdate

"Sa aming pinakabagong satellite data, may na-monitor kaming dalawang LPA, ang isa ay nasa loob na ng PAR habang ang isa naman ay nasa labas pa," sabi ni Badrina.

Dagdag pa niya, ang LPA sa loob ng PAR ay nasa 1,155 kilometro silangan-hilagang-silangan ng dulong hilagang Luzon.

"Sa ngayon, hindi namin inaasahang magiging bagyo ang dalawang LPA, batay sa pinakahuling datos na hawak namin. Wala itong direktang epekto sa anumang parte ng bansa, pero patuloy naming imo-monitor... Hindi namin isinasantabi ang posibilidad na maging bagyo ang mga LPA," dagdag ni Badrina.

Aniya, patuloy na magdadala ng ulan ang habagat sa Visayas at katimugang bahagi ng Luzon.

"Asahan ang pag-ulan sa Western Visayas, Negros Island region, Central Visayas, Southern Luzon at pati na rin sa Bataan at Zambales area," sabi ni Badrina.

Samantala, ang natitirang bahagi ng Luzon, natitirang bahagi ng Visayas at malaking bahagi ng Mindanao ay makakaranas ng pulu-pulong pag-ulan at thunderstorms sa gabi.

"Maaaring umulan sa madaling araw, na katangian ng habagat. Magpapatuloy ang ulan sa Visayas at Southern Luzon sa susunod na mga araw. Malaki rin ang tsansa ng ulan sa Occidental Mindoro, Zambales, Bataan," dagdag niya.

READ: PAGASA, Binabantayan ang LPA sa Northern Luzon