CLOSE

Bagyong ‘Gener’ Lalong Lumalapit, 19 Areas sa Luzon, Nasa Signal No. 1

0 / 5
Bagyong ‘Gener’ Lalong Lumalapit, 19 Areas sa Luzon, Nasa Signal No. 1

Signal No. 1 raised in 19 areas across Northern Luzon as Tropical Depression Gener nears landfall, bringing strong winds and habagat rains. Maghanda sa pag-ulan.

— Patuloy ang paglapit ng Tropical Depression Gener sa kalupaan ng Northern Luzon, ayon sa PAGASA kanina, Setyembre 16. Napanatili ng bagyo ang kanyang lakas sa karagatang silangan ng Cagayan Valley, dahilan para itaas ang Signal No. 1 sa iba’t ibang lugar.

Sa tropical cyclone bulletin ng PAGASA ngayong alas-dos ng hapon, nagbabala ito ng malalakas na hangin at ulan dala ng habagat, na lalo pang pinapalakas ni Gener at ng bagyong Pulasan (nasa labas ng PAR). Inaasahan ang pag-ulan sa mga rehiyon tulad ng Batanes, MIMAROPA, Bicol, Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga, at Davao.

Ang mga lugar na nasa Signal No. 1 simula alas-dos ng hapon ay kinabibilangan ng:

  • Cagayan kasama ang Babuyan Islands
  • Isabela
  • Quirino
  • Nueva Vizcaya
  • Apayao
  • Kalinga
  • Abra
  • Ifugao
  • Mountain Province
  • Benguet
  • Ilocos Norte
  • Ilocos Sur
  • La Union
  • Pangasinan
  • Zambales
  • Tarlac
  • Nueva Ecija
  • Aurora
  • Hilagang bahagi ng Quezon (General Nakar, Infanta, Real) kasama ang Polillo Islands

Ayon sa PAGASA, asahan ang landfall ng bagyo sa pagitan ng Isabela o Aurora sa loob ng 24 oras. Kasalukuyan itong nasa 305 km East Northeast ng Casiguran, Aurora, at kumikilos pahilagang-kanluran sa bilis na 10 kph. May taglay itong hangin na aabot sa 55 kph malapit sa sentro at bugso hanggang 70 kph.

Bukod pa rito, naglabas din ang PAGASA ng thunderstorm advisory para sa Luzon, kasama ang Metro Manila. Maghanda sa mga posibleng malalakas na ulan sa Zambales, Tarlac, Nueva Ecija, Pampanga, Bataan, Bulacan, Cavite, Rizal, Metro Manila, Quezon, Laguna, at Batangas sa susunod na dalawang oras.