— Optimistic si Azkals co-captain Misagh Bahadoran sa future ng seven-a-side football dito sa Pinas. “Nakikita natin na hindi nalalayo ang laro ng Pilipinas sa ganitong format,” ani Bahadoran matapos nilang makuha ang runner-up finish sa Asia 7s Championship.
Sa laban na 'yon, halos matalo na nila ang powerhouse team ng Japan, na umabot sa 2-1 score dahil sa late strike ni Miran Abe sa comeback period. Ayon kay Bahadoran, kahit ang Japan team ay nagulat sa galing ng Azkals. “Sinabi pa nila after ng game, ‘We’re surprised sa laro niyo, sana next time finals ulit tayo,’” dagdag pa ng Filipino-Iranian veteran.
Kasama nila sa team sina Stephan Schrock, Mark Hartmann, at Daisuke Sato, na nagtulungan para buuin ang bagong Azkals sa fast-paced na 7s football. Mas maliit ang pitch at dalawang 20-minute halves lang ang laro, pero may comeback period kung saan may chance ang trailing team na manalo pa sa extra time.
“Magaling ang Pinoy, pero hindi pa masyadong kabisado ang 7s. Pero pag nag-practice tayo at nagkaroon ng sariling 7s league, pangako ko, one or two years lang, champion na tayo sa Southeast Asia. Malaki pa ang chance na makapasok tayo sa 7s World Cup,” ani Bahadoran, puno ng pag-asa.
Ayon naman sa coach na si Hamed Hajimahdi, isang 7s football expert mula Iran na kinuha ng chief backer na si Dan Palami, magandang simula na ito para sa team. “Maraming small things pa tayong kailangang ayusin. Kailangan din nating makahanap pa ng maraming talents, kahit 'di pro. Maraming magagaling sa streets tulad ng Tondo, pwede tayong makabuo ng isa pang malakas na team,” paliwanag niya.
READ: Azkals Malakas pa din! Hartmann Nagpaulan ng Goals vs Vietnam!