— Pagkatapos ng isang buwang laban sa China, balik-Pinas na si Alex Eala. Ang 19-anyos na Pinay tennis star ay nakaharap ang ilan sa mga bigating manlalaro ng Women’s Tennis Association (WTA) bago tuluyang nagpaalam sa torneo ng Jiangxi nitong Lunes.
Bagaman natalo sa unang round kontra sa World No.49 Marie Bouzkova ng Czechia, ipinahayag ni Eala sa Instagram ang kanyang pasasalamat at saya sa buong buwan ng kompetisyon sa China. "That’s a wrap on 1 month in China. Time to go home now," ani ni Eala sa kanyang Instagram post.
Nakapasok si Eala sa main draw ng Guangzhou Open noong nakaraang linggo, ngunit bigo siya laban sa Amerikana na si Bernarda Pera sa first round. Muli rin siyang hindi nakapasok sa main draw ng Wuhan at Ningbo Open noong mga nakaraang linggo.
Graduado ng Rafael Nadal Academy, sumabak si Eala sa anim na WTA tournaments ngayong taon bilang paghahanda sa mas mataas na antas ng kompetisyon.