CLOSE

Beermen at Bolts, Handang Makipagsabayan sa EASL Season Opener!

0 / 5
Beermen at Bolts, Handang Makipagsabayan sa EASL Season Opener!

San Miguel Beermen at Meralco Bolts, haharap sa Suwon KT Sonicboom at Macau Black Bears sa pagbubukas ng EASL Home and Away Season 2 ngayong October 2024.

San Miguel Beermen at Meralco Bolts ang magpapasimula ng kampanya ng Pilipinas sa East Asia Super League (EASL) ngayong Miyerkules sa Mall of Asia Arena! Sa unang laro, haharapin ng Beermen ang koponan mula Korea Basketball League, ang Suwon KT Sonicboom sa ganap na 6:10 p.m., habang magtatapat naman ang Meralco Bolts at ang mga baguhang Macau Black Bears bandang 8:10 p.m.

Sa unang game, magpapakitang-gilas sina EJ Anosike at Quincy Miller bilang imports ng Beermen, habang sa Bolts, tatlo ang imports nila, kasama sina Allen Durham, DJ Kennedy, at ang naturalized player na si Ange Kouame.

Ang parehong team ay may inaasam na redemption mula sa kanilang pagkatalo last season sa Final Four sa Cebu. Ayon kay Banjo Albano, VP ng Business Development ng EASL Philippines, malaking karangalan para sa kanila na dito sa Maynila i-launch ang bagong season.

“Alam natin kung gaano kalaki ang pagmamahal ng Pinoy sa basketball, kaya masaya kaming dito sisimulan ang EASL 2024-25 season,” pahayag ni Albano. Dagdag niya, ang season opener na ito ay magiging malaki at kahanga-hanga!

Cignal TV ang official broadcast partner ng liga, kaya siguradong mapapanood ang mga laro sa One Sport, One Sport Plus, at Pilipinas Live. Nasa 20 broadcast partners ang magdadala ng EASL games globally.

Malaki ang expectations para sa parehong teams. Sa panig ng Meralco, sinasabing malakas ang kanilang chance matapos talunin ang B. League champions na Ryukyu Golden Kings last season. Sila rin ang reigning Philippine Cup champions, kaya lahat ay nakaabang sa kanila.

Samantala, ang San Miguel Beermen, pinangungunahan ng legendary big man na si June Mar Fajardo, ay inaasahan ding magpakitang-gilas. May suporta siya mula sa veterans na sina Marcio Lassiter at Chris Ross, kasama pa ang dynamic players tulad nina Terrence Romeo, CJ Perez, at Simon Enciso. Mayroon pa silang matitibay na imports para lalong palakasin ang kanilang line-up.

Sa grupings, kasama ng San Miguel sa Group A ang Suwon KT Sonicboom, Hiroshima Dragonflies ng B. League, Taoyuan Pilots ng P.League+, at ang bagong team na Hongkong Eastern. Habang ang Meralco naman ay nasa Group B kasama ang Macau Black Bears, Ryukyu Golden Kings, Busan KCC Egis ng Korean Basketball League, at ang reigning P.League+ champs, New Taipei Kings.

Ngayong season, parehas na team ay naghahangad na maiuwi ang grand prize na $1 million.

READ: Gin Kings Pasok na sa Semis, Meralco Tinapos sa 3rd Game