CLOSE

Bella Belen Muling Kinilala Bilang MVP ng SSL

0 / 5
Bella Belen Muling Kinilala Bilang MVP ng SSL

Bella Belen, star spiker ng NU, muling kinilala bilang MVP ng Shakey’s Super League National Invitationals matapos ang perfect run ng Lady Bulldogs.

— Muling pinatunayan ni Bella Belen ng National University (NU) ang kanyang husay sa volleyball matapos makuha ang kanyang ikalawang MVP (Most Valuable Player) award ngayong taon.

Pagkatapos ng kanyang tagumpay sa UAAP, nasungkit ni Belen ang pinakamataas na indibidwal na parangal sa Shakey’s Super League (SSL) National Invitationals, kung saan nakumpleto ng Lady Bulldogs ang isang perfect run.

Bilang Alas Pilipinas standout, itinanghal din siyang First Best Outside Spiker matapos ang kanyang tuloy-tuloy na stellar performance sa anim na laro ng NU, na pinakulminahan ng kanyang 25-point eruption sa Game 2 ng finals kontra Far Eastern University (FEU) noong Martes sa Ninoy Aquino Stadium sa Maynila.

Sa kabuuan, ito na ang ikatlong MVP crown ni Belen sa kanyang maagang collegiate career. Nagsimula ito nang maging unang babaeng Rookie-MVP sa UAAP Season 84, kung saan nasungkit din ng Lady Bulldogs ang kanilang unang volleyball title matapos ang 65 taon, na may 16-0 sweep.

READ: NU's Bella Belen Nakamit ang Isa Pang MVP Award