CLOSE

Blazers Babawi sa Game 2 vs Cardinals: "Hindi Kami Susuko!"

0 / 5
Blazers Babawi sa Game 2 vs Cardinals: "Hindi Kami Susuko!"

Matapos ang mapait na 84-73 pagkatalo sa Game 1 laban sa Mapua, nangangako ang CSB Blazers na gaganti sa Game 2. Abangan ang sagupaan sa NCAA finals!

— Determinado ang College of St. Benilde Blazers na bumawi sa Game 2 matapos ang masaklap na pagkatalo sa Mapua Cardinals noong Linggo, sa unang salpukan ng NCAA Season 100 finals sa Smart Araneta Coliseum.

Ayon kay Blazers coach Charles Tiu, aminado silang sila ang may sala sa pagkakatalo, lalo na’t halos binuhos ng Mapua ang 84-73 panalo sa turnovers at fastbreaks.

"Parang pinatay kami ng Mapua," ani Tiu, sabay linaw na ang kanilang 23 turnovers ang nagbigay ng 34 puntos para sa Cardinals, kabilang ang 20 sa transition plays.

Malaki rin ang naging epekto ng Most Valuable Player na si Clint Escamis na tila naglaro nang walang makakapatid sa kanyang momentum. Nagpakawala si Escamis ng 30 puntos, 22 rito ay sa unang kalahati kung saan nagsimula ang dominasyon ng Cardinals.

"Too many errors, siguro kabado rin masyado," dagdag pa ni Tiu.

Ngunit hindi pa tapos ang laban, ayon sa Blazers. Hinikayat ni Tiu ang kanilang alumni at komunidad na suportahan ang koponan sa Game 2.

"Hindi kami susuko. Babawi kami," matapang na pahayag ng coach, na umaasa sa mas mataas na morale at suporta mula sa CSB fans.

Abangan kung sino ang mananaig sa masinsinang best-of-three title series na ito!

READ: Mapua, Isang Panalo Na Lang sa NCAA Title