CLOSE

Brownlee: Kai Sotto is NBA-Ready!

0 / 5
Brownlee: Kai Sotto is NBA-Ready!

Justin Brownlee bilib kay Kai Sotto! Sa laban kontra New Zealand, ipinakita ni Kai ang world-class skills na puwedeng pang-NBA. Basahin ang kwento rito!

— "Pang-NBA siya." Yan ang deretsong opinyon ni Justin Brownlee tungkol kay Kai Sotto, ang 7’3” na future ng Gilas Pilipinas, matapos ang stellar performance niya kontra New Zealand.

Sa 93-89 panalo ng Gilas laban sa Tall Blacks noong Huwebes, pinatunayan ni Sotto na siya ang big man to watch. Tumapos siya ng 19 puntos, 10 rebounds, 7 assists, 2 blocks, at isang steal—isang almost triple-double na performance!

"Man, I've been saying this—he's good enough for the NBA," ani Brownlee, na dati ring naglaro sa NBA Development League. "May height siya, skills, at ang laki ng potential. Plus, pinagdaanan niya yung mga challenges na nagpapalakas sa kanya."

Sa ikatlong quarter, naging susi si Kai sa 16-0 run ng Gilas na nagbigay ng kumpiyansa sa team. Bukod sa depensa, nagpakitang-gilas din siya sa playmaking, na may 5 assists pa lang sa halftime.

"Ang sarap panoorin ng growth niya. Bihira ang ganyang height na ganito kahusay sa pasa, shooting, at overall game. Bata pa siya—marami pa tayong makikita mula sa kanya," dagdag pa ni Brownlee.

Katatapos lang ni Kai sa concussion protocol bago ang laro, pero pinakita niyang walang makakapigil sa kanya. Ngayong linggo, abangan siya muli sa Mall of Asia Arena kontra Hong Kong para tapusin ang Group B sweep.

Talaga ngang world-class ang Pinoy talent!

READ: Gilas vs Tall Blacks: Mabigat na Hamon sa FIBA Asia Cup Qualifiers