CLOSE

Clarito, 'Michael Jhonard' ng ROS, Kinilala Bilang PBA Player of the Week!

0 / 5
Clarito, 'Michael Jhonard' ng ROS, Kinilala Bilang PBA Player of the Week!

Jhonard Clarito ng Rain or Shine, tinanghal na PBA Player of the Week matapos maghatid ng MJ-esque na effort sa laban kontra Magnolia sa Governors' Cup quarterfinals.

— Kilala siya sa tawag na "Michael Jhonard" ng kanyang mga kakampi, at hindi ito basta nickname lang—pinatunayan ni Jhonard Clarito ng Rain or Shine Elasto Painters na kayang magpakitang-gilas sa bawat laban, dala ang MJ-esque na performance.

Sa best-of-five PBA Season 49 Governors’ Cup quarterfinals laban sa Magnolia, malaking parte ang ginampanan ni Clarito para makuha ng ROS ang 2-1 series lead. Sa unang laro pa lang, umiskor siya ng 20 points at may kasamang limang rebounds para suportahan ang 24-20 na output ni import Aaron Fuller, dahilan upang maipanalo nila ang laban, 109-105.

Sa Game 3 naman, matapos ang masakit na pagkatalo ng ROS sa Game 2 (69-121), muling bumangon si Clarito. Kahit nagkaroon pa ng sugat sa ilong dahil sa pisikal na laro, nagtala pa rin siya ng 18 points, walong rebounds, at isang +11 efficiency rating upang masungkit ang 111-106 overtime win.

Sa buong serye, may average si Clarito ng 14.7 points, limang rebounds, at 1.3 assists per game—mga numerong nagbigay sa kanya ng karangalan bilang PBA Press Corps-Pilipinas Live Player of the Week mula Setyembre 25 hanggang 29. Upstaged niya ang mga big names gaya nina June Mar Fajardo ng San Miguel, Scottie Thompson ng Ginebra, at RR Pogoy ng TNT.

"Siyempre, gusto naming patunayan na kaya namin 'to. Lagi ngang sinasabi ni Coach Yeng (Guiao), kailangan makarating kami sa pinakamataas," sabi ni Clarito. Siya ang kauna-unahang nakakuha ng POW citation sa quarterfinals.

Si Coach Yeng naman, hindi mapigilang humanga sa kanyang 28-anyos na player. “Si Jhonard, literal blood, sweat, and tears. Dinugo ang ilong, pero laro pa rin. Pwede sa opensa, pwede sa depensa—lahat pwede kay Jhonard. Magaling pa magluto, gusto niyo bang magpakain?” pabirong dagdag ni Guiao.

READ: Beermen at Bolts, Handang Makipagsabayan sa EASL Season Opener!