CLOSE

DA, Ipinagbawal ang Mga Produktong Manok mula Michigan

0 / 5
DA, Ipinagbawal ang Mga Produktong Manok mula Michigan

Temporarily banned ang poultry imports mula Michigan, USA dahil sa bird flu outbreak, sabi ng Department of Agriculture ng Pilipinas.

— Pansamantalang ipinagbawal ng Department of Agriculture (DA) ang pag-angkat ng mga produktong manok mula Michigan dahil sa bird flu outbreak.

Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. naglabas ng Memorandum Order 24 sanhi ng paglaganap ng highly pathogenic avian influenza H5N1 virus sa Michigan, USA.

Kasama sa ban ang mga domestic at wild birds at kanilang mga produkto, gaya ng poultry meat, day-old chicks, itlog, at semilya.

Bagamat bihira mag-impeksyon sa tao ang bird flu viruses, mayroon pa ring mga naitalang kaso ng human infections ayon sa US Centers for Disease Control and Prevention.

Samantala, isinusulong ng Philippine Rural Reconstruction Movement (PRRM) na pag-aralan ng gobyerno ang pagtaas ng trigger price ng price-based special safeguard (SSG) duties sa imported chicken upang protektahan ang lokal na mga magmamanok.

Ayon sa PRRM, nagbibigay ng agarang proteksyon ang SSG sa mga lokal na producer laban sa biglaang pagdami ng imported products o murang importasyon.

Ang trigger price ng price-based SSG ay batay sa weighted average ng import prices mula 1986 hanggang 1988, alinsunod sa World Trade Organization Agreement on Agriculture (WTO-AoA).

Sa kasalukuyan, ang trigger price para sa imported chicken, kabilang ang whole chicken at cuts, ay P93.96 kada kilo.

“Ang pagpapalakas at pagtaas ng safeguard duties sa manok ay nagbibigay ng agarang ginhawa sa lokal na broiler sector nang hindi naaapektuhan ang retail price ng manok,” sabi ni PRRM president Edicio dela Torre.

Iminungkahi ni Dela Torre na dapat suriin ang trigger price at ang implementasyon nito tuwing anim na buwan, lalo na kung ang excess supply ay inaasahang lalampas sa 60 days sa inventory base sa forecast ng Department of Agriculture.

Sa ngayon, limitado ang aksyon ng gobyerno dahil sa mga umiiral na patakaran ng WTO-AoA.