— Handang ihinto ng Department of Agriculture (DA) ang trials ng African Swine Fever (ASF) vaccine kapag may lumitaw na problema, ayon kay Arnel de Mesa, tagapagsalita ng DA. Ang pahayag ay tugon sa payo ni dating agriculture secretary Leonardo Montemayor na dahan-dahanin ang pagsasagawa ng trials.
Nagbabala ang World Organization for Animal Health (WOAH) laban sa paggamit ng substandard ASF vaccines para labanan ang sakit. Sinabi ni De Mesa na ang efficacy ng ASF vaccine ay makikita sa resulta ng controlled vaccination. "Dadaan ito sa tamang proseso at mahigpit dito si Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. Kung may makikitang problema, ihihinto agad ito," dagdag pa niya.
Inaasahan na maaaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ngayong buwan ang kauna-unahang vaccine laban sa ASF para sa commercial distribution. Pagkatapos ng approval, magsasagawa ang DA ng mass trial ng vaccine. "Nasa trial period pa lang tayo, wala pang commercial release," sabi ni De Mesa.
Ipapatupad ng DA at FDA ang controlled vaccination sa trial. "Mataas ang efficacy level na ipinakita ng laboratory trials," ayon kay De Mesa. Nagbabala ang WOAH sa mga veterinary experts at hog industry sa risks ng substandard vaccines. Global concern ang pagkalat ng ASF, at walang rehiyon ang ligtas.
Patuloy ang pagsasaliksik ng community upang makabuo ng epektibong bakuna.