— Nagtagumpay si Gervonta Davis laban kay Frank Martin para mapanatili ang kanyang World Boxing Association lightweight crown sa Las Vegas nitong Sabado (Linggo, oras sa Maynila).
Ginamit ni Davis ang kanyang lakas upang dominahin ang walang talong si Martin bago magpakawala ng malalakas na suntok sa ikawalong round.
Matapos itulak si Martin sa mga lubid gamit ang sunod-sunod na mga suntok, nagpakawala si Davis ng napakalas na kaliwang hook na nagpatumba kay Martin sa lona ng MGM Grand Garden Arena.
Umakyat sa 30-0, na may 28 knockouts, ang rekord ni Davis matapos ang laban kay Martin, ang 29 anyos na mula Detroit na hindi pa natatalo sa 18 na laban bago ang pagkatalong ito.