CLOSE

Derrick Rose Announces Retirement: NBA MVP Era Ends

0 / 5
Derrick Rose Announces Retirement: NBA MVP Era Ends

NBA MVP Derrick Rose, 35, nagretiro na mula sa basketball. Ibinahagi ang next chapter beyond basketball, na may what-if moments sa career niya.

– Official na! Si Derrick Rose, ang youngest NBA MVP sa history, ay nag-anunsyo ng kanyang retirement mula sa basketball.

Sa edad na 35, kinumpirma ni Rose, na dating #1 pick noong 2008 NBA Draft, ang pagbitaw niya mula sa laro. Ang huling team na pinaglaruan niya ay ang Memphis Grizzlies. Ang balitang ito ay unang iniulat ng sports insider na si Shams Charania mula sa The Athletic.

"Ito na ang next chapter, chasing dreams ko at ipapakita ang growth ko beyond basketball," pahayag ni Rose sa kanyang post sa X (formerly Twitter). Dagdag pa niya, "Lahat tayo may ‘what if’ moments, pero di ko babaguhin kahit isa. Sila ang nagdala sa akin ng tunay na joy."

Si Rose, na MVP sa edad na 22 noong 2011, ay naging bituin ng Chicago Bulls at dinala sila sa ilang playoff runs. Pero nagbago ang ihip ng hangin nang ma-injure ang kanyang ACL sa kaliwang tuhod.

Miss niya ang buong 2012-13 season at bumalik noong 2013-14, ngunit di rin pinalad nang masira naman ang kanyang right knee meniscus. Mula noon, sunod-sunod na injuries ang humadlang sa kanyang karera.

Maliban sa Bulls, naglaro rin si Rose para sa New York Knicks, Cleveland Cavaliers, Minnesota Timberwolves, Detroit Pistons, at Memphis Grizzlies. Natapos niya ang kanyang career na may average stats na 17.4 points, 5.2 assists, at 3.2 rebounds per game sa 723 NBA games.