– Pinasabog ni Novak Djokovic ang semifinals ng Shanghai Masters matapos niyang talunin ang 18-anyos na bata na si Jakub Mensik ng Czech Republic, sa score na 6-7 (4/7), 6-1, 6-4 nitong Biyernes. Pinatunayan ng 37-anyos na si Djokovic na hindi hadlang ang edad para makipagsabayan sa mga mas batang kalaban.
Tila hindi pa nagpapahuli si Djokovic kahit na inanunsyo lang kahapon ng kanyang karibal na si Rafael Nadal ang planong pagreretiro sa Nobyembre. Sa laban na ‘to, kitang kita ang determinasyon ng Serbian legend, habang hinahabol niya ang ika-100 singles title sa Shanghai!
Sunod niyang makakaharap ang world No. 7 na si Taylor Fritz mula sa US, matapos ding tambakan ng American si David Goffin ng Belgium, 6-3, 6-4, sa parehong araw.
“Grabe, intense ‘yung laban. Kailangan kong ibigay lahat para manalo,” sabi ni Djokovic pagkatapos ng laro.
READ: Djokovic Pinatunayan ang Lakas, Pasok na sa Shanghai Semis!