CLOSE

DOH: Hindi Panggagamot ang Prophylaxis Laban sa Leptospirosis

0 / 5
DOH: Hindi Panggagamot ang Prophylaxis Laban sa Leptospirosis

Nagbabala ang DOH na ang prophylaxis ay hindi proteksyon laban sa leptospirosis, kahit mayroong gamot na antibiotics. Iwasang lumusong sa baha.

— Kahit mayroong prophylaxis na gamot, nagbabala ang Department of Health (DOH) na huwag magbabad sa baha upang maiwasan ang leptospirosis.

Ayon kay Health Assistant Secretary Alberto Domingo, ang prophylaxis ay hindi "anting-anting" o "lisensya" para lumusong sa baha.

"Oo, may gamot laban sa leptospirosis. Ang pinakakilala ay antibiotic," sabi ni Domingo.

"Pero hindi ibig sabihin na parang anting-anting ito na puwede ka nang sumabak sa baha," dagdag pa niya.

Binigyang-diin ni Domingo na kailangang kumonsulta muna sa doktor bago gumamit ng prophylaxis para sa leptospirosis.

Nakapagtala ang DOH ng pagdami ng kaso ng leptospirosis sa buong bansa.