— Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa posibleng pagtaas ng mga kaso ng dengue sa panahon ng tag-ulan.
Ayon kay DOH Assistant Secretary at tagapagsalita Albert Domingo, kailangang mag-ingat ang publiko dahil kadalasang tumataas ang bilang ng kaso ng dengue tuwing Hulyo at Agosto.
Bagamat bumaba ang bilang ng mga kaso ng dengue mula Mayo 12 hanggang 25 na may naitalang 3,992 kumpara sa 5,359 noong Abril 28 hanggang Mayo 11, pinaalalahanan ng DOH ang publiko na huwag maging kampante.
Dahil sa pagdating ng tag-ulan, nagiging mas laganap ang stagnant water na nagsisilbing breeding ground ng mga lamok na nagdadala ng dengue.
Payo ng DOH sa publiko: sirain ang mga posibleng breeding sites ng lamok, lalo na ang mga stagnant water. Ugaliing linisin ang kapaligiran upang makaiwas sa dengue.