— Si Eya Laure, star player mula sa Chery Tiggo, ay tila papunta na sa Capital1 Solar Spikers. Ayon sa mga chika, ongoing na ang talks ng management ng Solar Spikers at ni Laure para sa posibleng paglipat nito bago magsimula ang Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference sa November 9.
"Ayaw ko pangunahan, nasa management na 'yan," sabi ni Capital1 coach Roger Gorayeb sa The STAR nang tanungin kung kumpirmado na ang paglipat ni Laure sa kanyang koponan.
Kumakalat na rin ang balita na ang former PVL Best Outside Spiker ay umaasang mabibili ang kanyang kontrata mula sa Chery Tiggo para makalipat sa Capital1.
"May mga usap-usapan na pumupunta siya sa Capital1," ani ng isang source na malapit kay Laure.
Pero hindi ganun kasimple ang sitwasyon. Ayon kay Gorayeb, may "legal impediment" daw na kailangang ayusin bago tuluyang maganap ang transfer.
Wala pang opisyal na pahayag mula kina Laure at Chery Tiggo ukol dito. Ang kapatid niyang si EJ Laure at ang libero na si Buding Duremdes ay nakaalis na rin mula sa Chery Tiggo.
Kung hindi magtagumpay ang Capital1 sa pagkuha kay Laure, asahan na tatargetin din siya ng iba pang teams gaya ng PLDT at Akari.
Samantala, si Jovelyn Gonzaga ay pumirma na sa ZUS Coffee at sasabak kasama ang mga bagong henerasyon ng volleyball players.