CLOSE

Fajardo at Brownlee Bida sa Gilas 12 Kontra New Zealand

0 / 5
Fajardo at Brownlee Bida sa Gilas 12 Kontra New Zealand

June Mar Fajardo, Justin Brownlee, at Kai Sotto nangunguna sa Gilas Pilipinas para sa FIBA Asia Cup qualifiers laban sa New Zealand.

Handa na ang Gilas Pilipinas! Ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ay nag-anunsyo ng kanilang final 12-man roster para sa November window ng FIBA Asia Cup Qualifiers.

Pinangunahan ito ng "Kraken" June Mar Fajardo, naturalized star Justin Brownlee, at ang 7'3" giant na si Kai Sotto, na cleared matapos ang concussion protocol.

Kasama rin ang PBA vets na sina Japeth Aguilar, Chris Newsome, Calvin Oftana, CJ Perez, at Scottie Thompson. Dagdag pa rito, magbibigay ng suporta ang rising stars na sina Dwight Ramos, Carl Tamayo, Mason Amos, at Kevin Quiambao.

Schedule:
Huwebes: New Zealand
Sabado: Hong Kong
7:30 PM
Mall of Asia Arena

Bagamat kasama sa 15-man pool, hindi nakapasok sina AJ Edu at Jamie Malonzo dahil sa injuries. Si Ange Kouame, na isa ring naturalized player, ay backup ni Brownlee.

Bukod sa roster update, inanunsyo rin ng SBP ang pagbabalik ni Alfrancis Chua bilang program director at team manager ng Gilas Pilipinas.

"Masaya akong maging bahagi ulit ng programa. Salamat kay boss RSA sa suporta," ani Chua, na naging susi sa Asian Games gold medal noong nakaraang taon.

Sa likod ng tambalang ito nina Chua, Coach Tim Cone, at LA Tenorio, abangan ang Gilas na magpakitang-gilas muli!

READ: Kaya Na Ba ng Gilas Talunin ang New Zealand?