—Ang Farm Fresh Foxies ay tuluyang nakahanap ng tamang timpla matapos pataubin ang ZUS Coffee, 26-24, 13-25, 25-21, 25-19, sa Premier Volleyball League All-Filipino Conference sa Smart Araneta Coliseum.
Bagamat muntik nang madulas sa unang set at nagkulang sa second frame, nagising ang Foxies sa huli at sinelyuhan ang kanilang ikalawang sunod na panalo para sa 2-2 standing.
Si Trisha Tubu, ang unstoppable scoring machine, ay muling bumida sa laro na may 28 puntos matapos ang 21-point explosion kontra Akari Chargers noong nakaraang laban. Sa kabila nito, nanatili siyang humble:
"Teamwork talaga, pero syempre may lapses pa rin. Mabuti na lang na-recover namin," ani Tubu.
Inamin rin niya na marami pa siyang kailangang i-improve.
"Errors ko, madami pa. ‘Yung locking, kailangan talagang maayos," dagdag niya.
Ang panalo ng Foxies ay mahalaga para sa kanilang momentum lalo’t Choco Mucho Flying Titans na ang makakaharap nila sa PhilSports Arena.
"Crucial ‘yung susunod na game. Kailangan namin ng morale booster!" ani Tubu, puno ng determinasyon.
Samantala, ang ZUS Coffee ay nalasap ang kanilang ikalawang pagkatalo, parehong may 2-2 record tulad ng Foxies.
Sa Sabado, susubukan ng ibang teams na makabawi sa Cebu. Sino kaya ang uusad? Abangan!
READ: PVL Hits Cebu: Exciting Volleyball Matches Ahead!