CLOSE

Foxies, Panalo Ulit! Trisha Tubu Bumida sa Epic Comeback

0 / 5
Foxies, Panalo Ulit! Trisha Tubu Bumida sa Epic Comeback

Farm Fresh Foxies, balik-porma! Tinalo ang ZUS Coffee sa PVL All-Filipino. Trisha Tubu kumamada ng 28 puntos—malaking laban sa Choco Mucho ang susunod!

Mainit na mainit ang Foxies! Muling nagwagi ang Farm Fresh matapos payukuin ang ZUS Coffee, 26-24, 13-25, 25-21, 25-19, sa Premier Volleyball League All-Filipino Conference kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Bagamat nahirapan sa unang set at binigyan ng sakit ng ulo sa ikalawa, bumangon ang Foxies sa huling dalawang set para tapusin ang laban at ilagay ang kanilang rekord sa 2-2. Ito ang pangalawang sunod na panalo ng koponan matapos nilang tambakan ang Akari Chargers noong nakaraang linggo, 25-23, 25-21, 25-14.

Trisha Tubu: Game-Changer
Enerhiyang Trisha Tubu ang naging bida muli para sa Foxies, matapos magpakawala ng nakamamanghang 28 puntos, kasunod ng 21 puntos na pinoste niya laban sa Akari. Sa kabila nito, nananatiling mapagpakumbaba si Tubu, itinuro ang tagumpay sa buong koponan.

Teamwork talaga ang nagdala. Medyo may lapses kami, pero nakakatuwang nabawi namin sa dulo,” ani Tubu.

Gayunpaman, aminado siyang marami pa siyang kailangang i-improve. “Kailangan ko pang i-focus ang blocking ko. Marami akong errors na kailangang mabawasan,” dagdag niya.

Big Game Ahead
Malaking laban ang susunod para sa Foxies, kalaban ang Choco Mucho Flying Titans sa PhilSports Arena. Alam ni Tubu ang bigat ng laro, lalo na’t kailangang-kailangan nila ng momentum.

Sobrang importante ng susunod na game. Kailangan naming magdala ng morale booster,” pahayag niya.

Samantala, nahulog naman sa 2-2 ang ZUS Coffee matapos ang pagkatalo.

READ: Farm Fresh, Pinatikim ng Talbog ang ZUS Coffee para sa Back-to-Back Panalo!