— Sa tatlong laban lang sa Latvia FIBA Olympic Qualifying Tournament, ginulat ng world No. 37 Gilas Pilipinas ang mundo ng basketball. Natalo nila ang world No. 6 Latvia at nagbigay ng magandang laban kontra world No. 12 Brazil at world No. 23 Georgia.
Paano nila nagawa 'yun? Ang mga stats ang sagot. Sa torneo, nanguna ang Gilas sa average points (81), field goal percentage (.492), three-point field goal percentage (.468) at efficiency per game (EFFPG) na 95. Ang team ni Coach Tim Cone ay pumangalawa rin sa rebounds (39.7), two-point field goal percentage (.504) at blocks (3.7). Pangatlo naman sa assists (18), pero numero uno rin sa turnovers (17.3).
Hindi pumalya sa free throw sina Justin Brownlee (11-of-11), Dwight Ramos (4-of-4), Kai Sotto (3-of-3) at Japeth Aguilar (2-of-2). Anim na manlalaro ang pumalo ng at least 40 percent sa three-point shooting. Si Sotto ay 1-of-1, CJ Perez 4-of-6, Carl Tamayo 2-of-4, Kevin Quiambao 1-of-2, Ramos 8-of-19 at si Brownlee, 14-of-23. Sa field goal shooting naman, si Perez ay may .684, Sotto .600 at June Mar Fajardo .579. Pinakamagaling sa rebounds sina Brownlee (8.3), Fajardo (7.3) at Ramos (5.0), habang nanguna naman sa assists sina Brownlee (6.3), Ramos (3.7) at Chris Newsome (2.3).
Si Brownlee ang nanguna sa tournament sa scoring na may average na 23.0 points kada laro. Kasama rin sa top 20 scorers sina Sotto (11.0), Perez (10.0) at Newsome (9.3). Si Brownlee rin ang nanguna sa average minutes played (38.3) at efficiency per game (27). Kasama siya sa All-Star Five ng torneo kasama sina Bruno Caboclo at Leo Meindl ng Brazil, Rihards Lomazs ng Latvia at Jeremiah Hill ng Cameroon. Ayon sa FIBA, si Brownlee ay “absolutely epic in the competition, a beast in every way on the floor (at) the inspiring factor for Gilas.”
Sa ganitong klaseng performance, hindi na nakakapagtaka na ang Gilas Pilipinas ay mabilis na umaangat bilang isang global contender sa mundo ng basketball.
READ: Gilas Pilipinas Tanggap ang Hinaharap: Building Block para sa Kinabukasan