–Sa nalalapit na FIBA Olympic Qualifying Tournament (OQT), sasabak ang Gilas Pilipinas laban sa 23 iba pang koponan para makuha ang tiket patungong Paris Olympics.
Para mas mapalapit ang aksyon sa mga Pilipino, inihahatid ng Smart Communications Inc. ang libreng live streaming ng mga laro ng Gilas Pilipinas sa OQT sa pamamagitan ng Smart LiveStream App. Makakasagupa ng Gilas ang Latvia at Georgia sa Hulyo 3 at 4.
Maaari nang i-download ang Smart LiveStream App sa Apple App Store at Google Play Store, at magagamit ito ng mga subscriber mula sa lahat ng network.
Pinangunahan ni Coach Tim Cone ang 12-man roster ng Gilas, kasama si naturalized Filipino at Asian Games hero Justin Brownlee, seven-time PBA MVP June Mar Fajardo, at All-Filipino Conference Finals MVP Chris Newsome. Kasama rin sina Dwight Ramos, CJ Perez, Calvin Oftana, Kevin Quiambao, Carl Tamayo, Japeth Aguilar, Mason Amos, at Kai Sotto. Hindi naman makakasama sina Jamie Malonzo, AJ Edu, at Scottie Thompson dahil sa mga injury.
Ranked No. 37 sa mundo, kabilang ang Gilas sa Group A kasama ang Latvia (No. 6) at Georgia (No. 23) para sa OQT na gaganapin sa Riga, Latvia.
Abangan ang Gilas Pilipinas laban sa Latvia sa Miyerkules, Hulyo 3, at sa Georgia sa Huwebes, Hulyo 4 sa Smart LiveStream App.
Ang top two teams mula sa Group A (Latvia, Georgia, Pilipinas) ay makakalaban ang top two mula sa Group B (Brazil, Montenegro, Cameroon) sa crossover semis format. Ibig sabihin, kailangan lang talunin ng Gilas ang alinman sa Latvia o Georgia sa group phase upang umabante sa crossover semis.
Ang panalo sa semis ay magdadala sa Gilas sa winner-take-all finale para sa natatanging Paris 2024 ticket na inilalaan para sa Latvia OQT leg. Maliban sa Latvia, magkakaroon din ng OQT legs sa Greece, Spain, at Puerto Rico mula Hulyo 2 hanggang 7. Ang apat na top teams mula sa bawat leg ay magkakamit ng natitirang Olympic slots.
Kapag nag-qualify ang Gilas para sa Paris 2024, sasamahan nila ang Australia, Canada, Germany, Japan, Serbia, South Sudan, USA, at host country France, kasama ng mga mananalo mula sa Greece, Spain, at Puerto Rico OQT legs para sa kabuuang 12 teams.
“Sa pamamagitan ng Smart LiveStream App, hinihikayat namin ang bawat Filipino basketball fan na suportahan ang Gilas Pilipinas sa kanilang paglalakbay patungong Paris 2024,” ani Alex Caeg, Head of Consumer Wireless Business ng Smart.
“Expect niyo na bibigay ng Gilas Pilipinas ang kanilang buong makakaya laban sa host country Latvia at sa Georgia. Patuloy nating suportahan at sundan ang paglalakbay ng ating national basketball team powered by Smart’s superior mobile network,” dagdag ni Jude Turcuato, Head of Sports ng PLDT-Smart.
Panoorin ang mahalagang laban ng Gilas para sa Paris 2024 sa pamamagitan ng pag-download ng Smart LiveStream App sa smrt.ph/livestream o sa inyong web browser sa https://smart.com.ph/livestream.