CLOSE

Handa Na ang Highlands Ladies Cup 2024

0 / 5
Handa Na ang Highlands Ladies Cup 2024

Handa na ang ika-16 na Highlands Ladies Cup 2024! Makipagsapalaran sa Midlands courses ng Tagaytay kasama ang 200 golfers mula sa iba't ibang golf clubs sa bansa.

— Handa na para sa ika-16 na edisyon ang Highlands Ladies Cup na gaganapin sa Oktubre 5, isang event na puno ng saya, kompetisyon, at camaraderie sa sikat na Midlands at Lucky 9 courses ng Tagaytay Midlands Golf Club.

Bilang pangunahing golf event ng Tagaytay Highlands, inaasahang dadagsain ito ng mga manlalaro mula sa iba’t ibang skill level—mga kalalakihan at kababaihan, mula sa iba’t ibang golf clubs sa bansa. Ang kombinasyon ng masayang kumpetisyon at samahan ang nagpapatingkad sa Highlands Ladies Cup, na isa nang inaabangang kaganapan sa local golf scene.

Ayon sa Tagaytay Highlands Ladies Chapter, ang event organizers, umaasa sila na aabot sa 200 participants ang sasabak, lahat sabik maranasan ang challenging ngunit exciting courses, samahan, at ang prestihiyosong palaro sa Tagaytay Highlands.

READ: Singson, bagsak sa final round, nahulog sa 40th matapos ang 79