— Para bang pader ang depensa ng Miami Heat habang dinurog nila ang Los Angeles Lakers sa 134-93 panalo noong Miyerkules (Huwebes, oras sa Pinas).
Tyler Herro, ang bida ng laban, nagpasiklab ng 31 puntos, kasama na ang 21 points sa ikatlong quarter kung saan nagtala siya ng pitong tres. Sa kabuuan, kinumpleto ng Heat ang franchise record na 24 three-pointers at 42 assists.
“Grabe ang energy namin sa game na ’to, kaya ayun, nakita niyo naman ang resulta,” ani Bam Adebayo, na nagtapos ng double-double (14 points, 10 rebounds, 7 assists).
Sa kabilang banda, tila nawalan ng gana ang Lakers, na nanggaling pa sa 29-point loss kontra Timberwolves. Sinabi ni coach JJ Redick, “Nakakahiya. Wala kaming tamang diskarte o professionalism.”
Kahit si LeBron James, na nagtala ng 29 puntos, mukhang dismayado. “Kung ayaw mo lumaban, ibang usapan na ’yan,” ani LeBron matapos makabawi sa kanyang shooting slump.
Hawks Pinalamig ang Bucks
Samantala, sa Milwaukee, nagningning si Jalen Johnson ng Atlanta Hawks sa kanilang 119-104 upset win laban sa Bucks. Si Johnson ay may 23 points at 13 rebounds, habang si De’Andre Hunter ay nag-ambag ng 20 mula sa bench.
Hindi kinaya ng Bucks, kahit pa umiskor ng 31 points si Giannis Antetokounmpo at 25 kay Damian Lillard.
Celtics Lumaban Kahit Injured ang Stars
Walang Jayson Tatum at Jrue Holiday, pero napanatili ng Boston Celtics ang kanilang lakas sa 130-120 panalo kontra Detroit Pistons. Nagbida si Jaylen Brown na may 28 puntos at 9 assists.
READ: Knicks, Bucks, at Magic Pasok sa NBA Cup Quarterfinals!