— Bilang bahagi ng kanilang global marketing partnership sa NBA, ilulunsad ng Hennessy ang kampanyang "Without Your Spirit, It’s Only A Game" upang bigyang pugay ang mga tagahanga ng basketball at fine cognac.
Sa Sabado, sisimulan ng Hennessy ang kampanya para ipagdiwang ang kolaborasyon nila sa NBA.
"Ang pakikipagtulungan na ito ay nagbibigay parangal sa mga tagahanga at ang kanilang walang sawang dedikasyon, pinapakita na ang basketball ay higit pa sa laro – isa itong pagsasama-sama ng talento, kultura, at espiritu," ayon sa pahayag ng Hennessy.
Kasama rin sa event ang paglulunsad ng "Hennessy x NBA 2024 Limited Edition Series," kung saan ipapakita ang mga bagong limitadong edisyon ng bote.
"Ang inspirasyon nito ay mula sa mga kalsadang pinagmulan ng basketball, kinikilala ng Hennessy ang kulturang nabuo mula sa court, mula sa konkretong sahig hanggang sa hardwood floor," dagdag pa sa pahayag.
"Bawat masugid na fan na nagdadala ng kanilang espiritu sa NBA ay ginagawang higit pa sa isang laro ito," anila.
Bukod sa limitadong edisyon ng bote, nakipagtulungan din ang Hennessy sa Mitchell & Ness upang ipagdiwang ang lifestyle at kultura ng NBA.
"Nagkaisa ang dalawang iconic na brands para sa 'ultimate drop' – isang limitadong edisyon na koleksyon upang markahan ang kanilang pag-ibig sa basketball culture, sa loob at labas ng court," ayon sa pahayag.
"Ang Hennessy x Mitchell & Ness ay nagbibigay pugay sa makulay na fan culture at mga nakaraang fan-driven releases. Ang koleksyon na ito ay ipinagdiriwang ang passion at creativity off the court at sinasalamin ang cultural impact ng basketball at Hennessy sa fashion at streetwear."
Magiging available ang drop simula Sabado sa Hennessy x NBA Pop-Up at NBA Store na matatagpuan sa Mega Fashion Hall, SM Megamall at sa NBAStore.com.ph.
Sa Sabado rin ipapakita ang apat na piraso, kabilang ang isang hoodie, shorts, jersey, at belt bag, na may mga kulay gray at lime-green trim.
Magpapatuloy ang Pop-Up hanggang Hunyo 30.