-- Malaking morale boost ang dala ng unang Olympic gold medalist ng Pilipinas.
Bago ang laban ng unang Pilipino sa 2024 Paris Olympics, ipinahayag ni Olympic weightlifting champion Hidilyn Diaz ang kanyang suporta sa 22-man contingent ng Pilipinas.
"Sa mga atletang Pilipino, nasa inyo ang aking suporta at panalangin," sabi ni Diaz sa Instagram noong Sabado ng umaga kasama ang litrato ng mga atleta.
"Hangad ko ang inyong tagumpay. Para sa Diyos at Bayan!" dagdag pa niya.
Noong 2021, literal na binuhat ni Diaz ang bansa sa kanyang kauna-unahang Olympic gold medal sa Tokyo.
Nakamit niya ang championship sa pagbuhat ng kabuuang 224 kilograms sa final.
Ngayon, hindi siya nakapag-qualify sa Games dahil umakyat siya sa 55 kg class.
Sa halip, si Elreen Ando, kapwa Filipino weightlifter, ang nakakuha ng pwesto.
Ngayong hapon, sisimulan ni Filipina rower Joanie Delgaco ang kampanya ng Pilipinas sa Olympics sa singles sculls heat 2 alas-4:12 ng hapon (Manila time).
Mamayang gabi, alas-9:30, si Carlos Yulo naman ang magpe-perform sa artistic gymnastics men’s qualification.
Bukod kina Delgaco, Yulo, at Ando, kasama rin sa team ang mga boxers na sina Aira Villegas, Carlo Paalam, Eumir Marcial, Hergie Bacyadan, at Nesthy Petecio; fencer Sam Catantan; golfers Bianca Pagdanganan at Dottie Ardina; gymnasts Aleah Finnegan, Emma Malabuyo, at Levi Ruivivar; judoka Kiyomi Watanabe; pole vaulter EJ Obiena; swimmers Jarod Hatch at Kayla Sanchez; hurdlers Lauren Hoffman at John Cabang Tolentino; at weightlifters John Ceniza at Vanessa Sarno.
READ: Paalam's Paris Pursuit: Paghahabol sa Gintong Medalya ng Pinoy