—Unang beses nilang makapasok sa PBA Finals, at sina Rey Nambatac ng TNT at Stephen Holt ng Barangay Ginebra ay ready na kunin ang pagkakataon at gawing makasaysayan ito.
“Finally, after seven years, nakaabot din ng finals,” wika ni Nambatac, excited na sa inaasam na milestone—ang PBA Season 49 Governors’ Cup championship kasama ang TNT.
Pagkatapos ng pitong taon sa Rain or Shine, at sandaling stint sa Blackwater, ngayon ay nasa Tropang Giga siya via trade. Dala ng bagong environment, mabilis na nag-adapt si Nambatac sa kanyang role.
“Thankful ako sa mga coaches, kay Coach Chot, mga bosses, utility staff, at lalo na sa teammates. Sila talaga ang reason kung bakit ako mabilis nag-fit dito,” pahayag ng first-time finalist. “In-embrace ko yung role ko kaya bagay ako sa TNT.”
Samantala, hindi ganoon kahaba ang hinintay ni Holt para sa kanyang unang finals stint. Matapos ang Rookie of the Year campaign sa Terrafirma, agad siyang lumipat sa Ginebra at nakuha ang chance na makuha ang kanyang kauna-unahang PBA title.
“Super excited ako. Second year ko pa lang sa PBA tapos finals na, so I have to grab this opportunity. Motivated kaming lahat,” ani Holt.
Nagpapasalamat din si Holt sa kanyang karanasan sa Europe, na nagtulak sa kanya para mas maging gutom sa kampyonato.
“Huling championship ko pa nung 2017 sa Czech NBL, kaya matagal na. Maraming second-place finishes na ang na-experience ko sa Europe, kaya gagamitin ko yun as motivation dito,” sabi pa ng 32-anyos na guard.
Handa na rin si Holt sa matinding depensa laban kay Rondae Hollis-Jefferson ng TNT, isa sa mga prolific na import ng liga. “Hindi ko alam kung ako agad ang unang match-up sa kanya or si JB (Justin Brownlee), pero team effort talaga ito,” wika ni Holt.
Nangako siya na gagawin nila ang lahat para limitahan si Rondae at masiguradong mahihirapan ito sa bawat tira.
READ: