Ayaw rin ng Beermen na malubog sa 1-3 na butas.
Sa pangunguna ni Fajardo at pagsunod ng kanyang mga kakampi, tinalo ng defending champions ang Meralco Bolts, 111-101, para magtabla sa 2-2 sa Philippine Cup title series kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Si Fajardo, na bumuslo ng 28 puntos at 13 rebounds ilang oras matapos tanggapin ang PBA-Nustar Resort Cebu BPC award na kanyang napanalunan sa malayong agwat na 1,100 puntos laban kay Terrafirma rookie Stephen Holt (651) at NLEX’ Robert Bolick (641), ay nagpasimula ng apoy sa kanyang 12-point flurry sa unang quarter, kung saan nakuha ng SMB ang 23-9 lead bago tumapos ng 29-22. Ito'y nagbigay ng momentum para sa 11-point lead sa third at 12-point cushion sa fourth.
“Motivated ako kasi kapag natalo kami, magiging 3-1 (deficit), mahirap na mag-bounce back doon. Kaya gusto namin talagang manalo at ma-tie iyung series. Credit sa teammates ko, nag-step up lahat,” sabi ni Fajardo.
Sinuportahan siya nina CJ Perez na may 22 puntos at Marcio Lassiter na nag-ambag ng 18 puntos. Si Big man Mo Tautuaa ay naka-shoot ng siyam na puntos habang si Vic Manuel, na unang beses na naglaro sa finals, ay nagbigay ng makabuluhang kontribusyon mula sa bench na may walong puntos habang nakuha ng SMB ang pinakamataas na score ng serye laban sa defensive-savvy Bolts.
Maghaharap muli ang dalawang koponan bukas para sa Game 5 sa Big Dome para sa kontrol ng serye.