CLOSE

Jannik Sinner, Nilinis ng ITIA Matapos Magpositibo sa Doping Test

0 / 5
Jannik Sinner, Nilinis ng ITIA Matapos Magpositibo sa Doping Test

Jannik Sinner, world no. 1 sa tennis, cleared ng ITIA matapos magpositibo sa doping test; kaso resulta sa Indian Wells, pinawalang-bisa.

Pinawalang-sala si tennis world number one Jannik Sinner ng Italy matapos magpositibo sa isang ipinagbabawal na substansya, ayon sa International Tennis Integrity Agency (ITIA) nitong Martes.

Ayon sa ITIA, nagbigay si Sinner ng sample noong Marso 10, 2024, sa Indian Wells Masters na nagpakita ng mababang level ng metabolite ng clostebol—isang anabolic agent na ipinagbabawal ng World Anti-Doping Agency (WADA).

Isang pang sample, kinuha walong araw pagkatapos sa labas ng kompetisyon, ang nagpositibo rin sa parehong substansya. Subalit, matapos ang masusing imbestigasyon, napatunayan ng isang independent tribunal na walang kasalanan o kapabayaan si Sinner sa kanyang Anti-Doping Rule Violations.

Kwento ni Sinner, nagmula ang kontaminasyon sa isang support team member na gumamit ng over-the-counter spray na may clostebol. Ayon sa ITIA, ginamit ng nasabing team member ang spray mula Marso 5-13 at sabay na nagbigay ng masahe at sports therapy kay Sinner, dahilan ng kontaminasyon.

Bagama’t nalinis ang pangalan ni Sinner, nawalan naman siya ng mga resulta, premyo, at 400 ranking points mula sa Indian Wells dahil sa mga umiiral na anti-doping rules.

Sa kabila nito, nagpahayag ng pagkadismaya ang ilang kapwa manlalaro. Si Nick Kyrgios ng Australia ay nagpahayag ng galit sa social media, “Ridiculous—kung aksidente man o sinadya. Dapat 2 years banned yan, performance-enhancing substance yan. Massage cream? Nice try.”

Sinundan ito ni Denis Shapovalov ng Canada na nagsabi, “Hindi ko maisip kung ano nararamdaman ng ibang players na nabanned dahil sa kontaminadong substances ngayon.”

Bagamat nalantad ang sitwasyon, nanatiling matatag si Sinner sa kanyang pananaw at suporta ng ATP. Ayon sa ATP, "Integrity is paramount in our sport," pinapakita ng kanilang statement na nagpapatuloy ang paniniwala sa paglilitis ng Tennis Anti-Doping Programme.

"Ito ay isang challenging at malungkot na karanasan," pahayag ni Sinner sa X. "Pero patuloy akong mag-iingat at titiyakin na sumusunod ako sa mga patakaran ng ITIA, kasabay ng aking team na nagsisikap maging maingat sa lahat ng oras."

Nagpahayag din si Karen Moorhouse, CEO ng ITIA, na tinanggap nila ang paliwanag ni Sinner at kinilala ang pagka-aksidente ng pagpasok ng substansya sa kanyang katawan.

READ: Alex Eala Abante na sa US Open Main Draw