Sa ngayon, buhay pa rin ang pangarap ni Kai Sotto na makamit ang NBA.
Ngunit sa ngayon, sinabi ng 7-3 na Gilas Pilipinas Center na nakatutok siya sa pagpapakita ng maganda para sa Yokohama B-Corsairs, na binibigyang diin ang kanyang layunin na makatulong sa kanyang bagong koponan.
“Mababait yung teammates ko at mga coaches, [they’re] making sure na maging madali yung adjustments ko,” aniya sa isang panayam sa Zoom noong Biyernes.
“Okay naman so far. I think, hindi ako masyadong nahirapan pag dating ko ng Yokohama kasi very welcoming yung team,” tugon ni Sotto nang tanungin tungkol sa kanyang karanasan sa kanyang ikalawang Japan B.League team.
“Makakatulong ng malaki yung team ng Yokohama sa’kin, sa improvement ko and development ko, and I think makakatulong rin ako ng malaki para sa team.”
“Mas nahirapan pa ‘ko sa pag lipat ng mga gamit kaysa sa pag-adjust,” pagbibiro pa niya.
Mula sa Hiroshima Dragonflies, ang naisadlak si Sotto sa Yokohama, at hanggang ngayon, apat na laro pa lamang ang kanyang nalaro ngayong season dahil sa pagpapagaling mula sa kanyang back injury noong Hulyo sa NBA Summer League.
“Ito yung first four games ko, medyo parang warm-up pa lang, kasi hindi pa ‘ko nagamit ng matagal ng coach ko kasi nga medyo naiilang pa siya na galing ako sa matagal na break, three months na walang laro,” aniya.
Subalit, iniwan na niya ang mga iyon sa likod ng kanyang memorya, at sa ngayon ay buo na ulit ang kanyang kalusugan.
“Oo, okay na. Na-sprain lang ako last game, pero okay na, cleared na yung likod ko, healthy na ulit.”
Ang dating Adelaide 36ers center, na nagtatangkang bumangon mula sa kanyang injury-riddled na 2023 season, ay nagbabalak na maging mas mahusay sa darating na taon.
“Very important. I think lahat naman ng season na nalaruan ko, very important para sa’kin. Wala naman tayong sinasayang na oras, everyday matters,” sabi ni Kai, na naglalatag din ng kanyang mga plano at prayoridad para sa taong ito.
“I think unang una is to stay healthy. Walang injury, walang iniinda kapag naglalaro, yun yung unang una. Pangalawa, just to be better than last year. Naglaro na’ko dito last year, so yun na yung hihigitan ko pa lalo this season,” pagpapahayag ni Sotto.
Nagpakita siya ng hindi kagandahang performance sa 2023 FIBA Basketball World Cup, ang huling pagkakataong umapak siya sa court, at isa sa mga nagdulot nito ay ang kanyang mga injury.
Si Sotto ay nag-average lamang ng 6.0 points, 4.0 rebounds, at 0.8 rejections sa limang laban, ngunit ngayong malakas na siya, puno siya ng optimismo sa kanyang kampanya ngayong taon.
“Exciting ‘tong season na ‘to, and I think, magiging exciting ‘tong parating na mga games until the playoffs. Paunti unti, adjustment para sa’kin, sa coach ko, and I think, tuloy tuloy lang.”
Tinanong tungkol sa kanyang plano patungo sa NBA, narito ang kanyang sagot: “Madami, pero ‘di ko muna sasabihin.”
“Focus muna ako sa season na ‘to. Hindi naman mawawala yun, so after na ng season ko na yun aasikasuhin.”