— Ang Severe Tropical Storm Kristine, nakatakdang lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong hapon, October 25, ayon sa PAGASA. Pero hindi pa sigurado ang lahat—may posibilidad pa rin kasing mag-loop pabalik ang bagyo at bumalik ng bansa sa Lunes, October 28.
Ayon sa PAGASA, ang kilos ng bagyo ay may kinalaman sa tropical depression na kasalukuyang nasa silangang bahagi ng PAR. "Sa forecast, mukhang tutuloy pa rin si Kristine papuntang West Philippine Sea hanggang bukas, pero maaaring mag-counterclockwise loop sa Linggo at Lunes, bago muling gumalaw pakanluran sa natitirang araw ng linggo," ani PAGASA sa kanilang 11 a.m. cyclone bulletin.
Alas-10 kaninang umaga, nasa 255 kilometers kanluran-hilagang kanluran ng Bacnotan, La Union ang sentro ni Kristine. May dala itong hangin na umaabot sa 95 kilometers per hour at may pagbugsong 115 kph.
Bagamat mananatiling isang severe tropical storm, mayroon ding tsansa na maging typhoon ito habang nakatigil sa West Philippine Sea.
Para sa mga naka-Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS), narito ang mga update:
TCWS No. 2:
Luzon: Northwestern Cagayan (Santa Praxedes, Claveria, Sanchez-Mira, Abulug, Pamplona), Babuyan Islands, Nueva Vizcaya, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Nueva Ecija, Tarlac, Pampanga, Zambales, Northern Bataan (Morong, Hermosa, Dinalupihan, Bagac, Orani, Samal, Abucay, City of Balanga).
TCWS No. 1:
Luzon: Batanes, natitirang bahagi ng Cagayan, Isabela, Quirino, Aurora, Bulacan, Bataan, Metro Manila, Cavite, Batangas, Laguna, Rizal, Quezon, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, Northern Palawan (El Nido, Taytay, San Vicente, Dumaran, Araceli) kasama Calamian, Cuyo, Kalayaan Islands, Camarines Norte, Camarines Sur, Burias Island.
Visayas: Northern Aklan (Buruanga, Malay, Nabas, Ibajay), Northern Antique (Libertad, Pandan), Caluya Islands.
Naglabas din ng gale warning ang PAGASA para sa mga karagatan ng Luzon at kanlurang bahagi ng Visayas.
READ: 'Kristine' Hahagupit sa Hilagang Luzon, LPA sa Labas ng PAR Puwedeng Maging Bagyo