CLOSE

Lady Spikers, Tinalo ang Golden Tigresses

0 / 5
Lady Spikers, Tinalo ang Golden Tigresses

La Salle Lady Spikers, undefeated pa rin, tinalo ang UST sa 5-set thriller, at abante na sa Shakey's Super League Finals. Aalamin pa kung sino ang makakatapat nila.

— Pinatunayan muli ng La Salle Lady Spikers ang kanilang lakas matapos patalsikin ang UST Golden Tigresses sa matinding laban ng Shakey's Super League Collegiate Pre-season Championship, Miyerkules ng gabi sa Rizal Memorial Coliseum. Nagwagi sila sa dikitang 5-setter, 26-28, 25-19, 25-20, 21-25, 15-13, para siguraduhin ang puwesto sa finals.

Tampok sa laban sina Angel Canino, dating UAAP MVP, at Shevana Laput, SSL National Invitationals MVP, na naging susi para sa tagumpay ng Lady Spikers. Humakot si Laput ng 19 puntos habang si Canino ay nag-ambag ng 17, na tuloy-tuloy na nagpahirap sa depensa ng UST.

Si Laput, kapatid ni PBA player James Laput, ay nakapuntos pa ng apat na sunud-sunod sa huling set para palawakin ang kanilang kalamangan sa 14-11. Binigyang diin niya ang teamwork sa panalo: "Alam ko na kailangang maging reliable player ako para sa team. Lahat tayo dito MVP," ani Laput.

Si Angge Poyos naman ang nagdala sa Golden Tigresses na may 22 puntos, ngunit kinapos pa rin ang UST, na ngayon ay maghahanap na lang ng podium finish sa bronze medal match.

Iba pang Laro:
Naipanalo ng St. Benilde Lady Blazers ang kanilang laban kontra UP sa first phase ng classification round, at aantabayanan nila ang mananalo sa pagitan ng Ateneo at UE para sa 5th place game.