Sa edad na 39, pinili si James ng kanyang mga kapwa atleta para sa seremonya sa Biyernes sa ilog Seine. Ang babae na flagbearer ay iaanunsyo sa Martes.
"Ito'y isang napakagandang karangalan na kumatawan sa Estados Unidos sa ganitong kalaking entablado, lalo na sa panahon na pwedeng magkaisa ang buong mundo," sabi ni James, power forward ng Los Angeles Lakers, sa isang pahayag mula sa USOPC.
"Para sa isang batang lumaki sa Akron, sobrang mahalaga ang responsibilidad na ito, hindi lang para sa akin kundi para sa aking pamilya, sa mga bata sa aking bayan, mga teammates, kapwa Olympians at sa napakaraming tao sa buong bansa na may malalaking pangarap.
"Ang sports ay may kapangyarihang pag-isahin tayo, at ikinararangal kong maging bahagi ng mahalagang sandaling ito."
Ang seremonya sa Seine ang kauna-unahang pagkakataon na magbubukas ang Summer Olympics sa labas ng pangunahing stadium.
Si James, na nagwagi ng Olympic gold medals noong 2008 at 2012, ay hindi nag-iisang NBA star na magdadala ng watawat para sa kanyang bansa sa Paris.
Si Giannis Antetokounmpo ng Milwaukee Bucks, isang two-time NBA MVP at kampeon ng liga noong 2021, ang gagampan ng papel para sa Greece.
READ: Lebron: ‘Marami Pang Kailangan Ayusin’ Kahit Panalo sa Serbia