—Sa kanyang pagbabalik sa Olympics matapos ang 12 taon, muling ipinakita ni LeBron James ang kanyang husay nang pinangunahan niya ang Team USA sa tagumpay kontra sa France, 98-87, upang kunin ang panglimang sunod na gold medal sa men’s basketball sa Paris 2024.
"Ang sarap ng pakiramdam! Super humbled ako na nandito pa rin ako, naglalaro pa rin sa mataas na level kasama ang 11 pang mahuhusay na players at isang solid na coaching staff," ani LeBron.
Si LeBron, na 39 anyos na ngayon, ay nakapagtala ng 14 na puntos, 10 rebounds, at 6 assists sa laban. Bagamat nanalo na ng bronze sa Athens 2004 at gold sa Beijing 2008 at London 2012, aminado si LeBron na ito na ang pinakamasarap na panalo para sa kanya.
"Ito na siguro ang huli kong Olympics," dagdag pa niya. "Di ko na makita sarili ko na naglalaro pa sa LA 2028. Pero, well, never say never, ‘di ba?"
Kasama sa kampanya ng Team USA ang kaibigan at kapwa NBA champion na si Stephen Curry, na nag-debut sa Olympic stage.
Muling pinatunayan ng Team USA ang kanilang lakas sa basketball, tinambakan muli ang France, ang host team, sa kanilang pangalawang sunod na Olympic finals showdown.
READ: LeBron James, Bibit ng Team USA Flag sa Paris Olympics