CLOSE

NBA: LeBron Nag-opt Out sa Lakers, Target Maglaro Kasama si Bronny

0 / 5
NBA: LeBron Nag-opt Out sa Lakers, Target Maglaro Kasama si Bronny

LeBron James, nag-opt out sa kontrata sa Lakers; posibleng bumalik para sa bagong deal at makalaro ang anak niyang si Bronny sa iisang koponan.

— Nagdesisyon si LeBron James na iwanan ang huling taon ng kanyang kontrata sa Los Angeles Lakers upang makipag-ayos para sa bagong kasunduan sa team, ayon sa ilang ulat noong Sabado (Linggo sa Maynila).

Ang apat na beses na kampeon sa NBA, tinanggihan ang kasunduan na magbibigay sana sa kanya ng $51.4 milyon sa susunod na season, at nagiging free agent pero nakatutok na bumalik sa potensyal na maximum three-year deal na nagkakahalaga ng $162 milyon.

Si Bronny James, 19-anyos na anak ni LeBron, ay napili sa 55th pick sa NBA Draft noong Biyernes ng Lakers at nakatakdang maging bahagi ng unang father-son duo sa NBA kasama ang 39-anyos na ama.

Inanunsyo ng Lakers na si Bronny ay magsusuot ng jersey number nine at nakasulat sa kanyang uniporme ang "James Jr."

Nais ng koponan na muling pumirma ang nakatatandang James, na apat na beses na NBA Most Valuable Player, at maaaring makipag-ayos para sa mas malaking pondo na magagamit sa mga trade o free agency para sa ilang manlalaro.

Pinalitan ng Lakers si Darvin Ham bilang coach ng dating TV commentator at podcast partner ni LeBron na si JJ Redick.

Si LeBron, na magtu-turn 40 sa Disyembre, ay may average na 25.7 puntos, 8.3 assists, at 7.3 rebounds kada laro noong nakaraang season.