CLOSE

Mangubat, Bida ng Mapua sa Pagpasok sa NCAA Semis!

0 / 5
Mangubat, Bida ng Mapua sa Pagpasok sa NCAA Semis!

Sa tulong ng rookie guard na si Lawrence Mangubat, nasungkit ng Mapua Cardinals ang semifinals spot sa NCAA matapos ang matinding laban kontra Lyceum.

— Nagpasabog si Lawrence Mangubat para sa Mapua University sa crucial na laban ng NCAA Season 100 men’s basketball tournament. Tila mas sumigla ang laro ng batang guwardiya, umiskor ng 16 puntos para ma-secure ang semifinals spot ng Mapua matapos ang panalo laban sa Lyceum Pirates, 69-68, at tuloy-tuloy na five-game winning streak.

Sa huling 30 segundo ng game, kinuha ni Mangubat ang spotlight, sunod-sunod ang pasabog sa clutch moments! Nagpaulan siya ng five-point swing na nagpatabla sa score at ang pamatay na tres na nagbigay ng lamang at panalo para sa Cardinals.

Para sa batang si Mangubat na nasa kanyang unang taon pa lang, hindi lang ito basta panalo, kundi isang patunay na kaya niyang bitbitin ang Mapua sa crucial games. May average siya ng 9.36 puntos, 3.93 rebounds, at 1.93 assists pagkatapos ng 14 games ng season.

Puno ng pasasalamat si Mangubat sa kanyang coach at teammates. "Unang-una, salamat kay God sa panalong ito. At kay Coach Randy na nagtiwala sa akin sa huling tira," sabi niya. Dagdag pa niya, "Para talaga sa akin ‘yung last play—last option na pero nandoon sina Cyrus at Clint. Saktong pasa ni Clint kaya na-shoot ko."

Dahil sa kanyang performance, tinanghal si Mangubat bilang NCAA Player of the Week ng Collegiate Press Corps, na suportado ng Philippine Sports Commission. Dinomina niya ang ibang standout players tulad nina Allen Liwag ng De La Salle-CSB, James Payosing ng San Beda, at Harvey Pagsanjan ng EAC para sa weekly honors.