-- Ano nga ba ang sabi ng Dallas Mavericks sa panginoon ng eliminasyon?
Hindi ngayon.
Sa kabila ng pagkakatulak sa gilid, nagawang buhayin ng Dallas Mavericks ang kanilang season at iwasan ang sweep matapos talunin ang Boston Celtics, 122-84, Sabado ng umaga (oras sa Maynila) sa American Airlines Center sa Texas.
Si Luka Doncic ang nanguna sa Mavericks na may 29 puntos, limang assist, at limang rebounds. Nagdagdag si Kyrie Irving ng 21 puntos sa efficient na 55.6% shooting.
Isang dominanteng panalo ito para sa Mavericks, na ibinaligtad ang maagang 11-10 na deficit para kumuha ng 34-21 na kalamangan papunta sa ikalawang quarter.
Tuwang-tuwa ang home team nang tuluyang binuksan ang laro ng isang 16-4 run sa second quarter para kunin ang 50-25 na kalamangan.
Tuloy-tuloy hanggang sa finish line, pinalaki pa ng Dallas ang lamang hanggang 48 puntos, 115-67, sa tres ni Jaden Hardy sa natitirang 5:58.
Nag-ambag si Tim Hardaway Jr. ng 15 puntos mula sa bench para sa Dallas. Naitira niya ang lima sa pitong tres.
Nagbigay rin ng enerhiya sina Dereck Lively II at Dante Exum na may 11 at 10 puntos, ayon sa pagkakabanggit.
Pinangunahan ni Jayson Tatum ang Celtics na may 15 puntos. Nagdagdag si Sam Hauser ng 14, habang nag-struggle si Jaylen Brown na may 10 puntos lamang sa 3-of-12 shooting.
"Mas mataas ang energy namin. Lahat ay naka-focus sa depensa," sabi ni Doncic.
Babalik ang serye sa Boston para sa Game 5 sa Martes (oras sa Maynila).