CLOSE

Mbappe Nalilink sa Swedish Rape Case, Nagulat sa Fake News!

0 / 5
Mbappe Nalilink sa Swedish Rape Case, Nagulat sa Fake News!

Si Kylian Mbappe, star ng Real Madrid, ay nagulat nang malink siya sa isang Swedish rape case. Maghahain siya ng libel case laban sa maling balita, sabi ng kanyang abogado.

—Si Kylian Mbappe, ang Real Madrid at French football star, ay hindi makapaniwala nang makita ang kanyang pangalan na nalilink sa isang rape investigation sa Sweden. Ayon sa kanyang abogado, si Marie-Alix Canu-Bernard, handa na siyang magsampa ng kaso para sa libelo dahil sa maling pagkakadawit ng kanyang pangalan. Siniguro ng abogado ni Mbappe na "wala siyang ginawang masama," kaya’t kampante raw ito sa gitna ng mga alegasyon na lumabas matapos siyang magbakasyon sa Stockholm kasama ang mga kaibigan.

Sa isang pahayag mula sa Swedish Prosecution Authority, inamin nilang nagbukas sila ng imbestigasyon tungkol sa isang insidente ng rape noong October 10, pero walang nabanggit na pangalan ng suspek. Gayunpaman, ayon sa mga ulat mula sa Swedish media tulad ng Aftonbladet at Expressen, si Mbappe diumano ang target ng imbestigasyon. Nadiskubre ng media ang kanyang pangalan matapos ang isang dalaw-araw na trip sa Sweden, kung saan umano’y nangyari ang insidente.

Sabi ng abogado ni Mbappe, hindi papayag si Mbappe na "basta iwan na lang" ang ganitong klaseng "paninirang-puri." Kaya’t maghahain daw sila ng kaso laban sa mga naglabas ng maling impormasyon.

Naglabas din ng pahayag ang Prosecution Authority ng Sweden, na nagsabing hindi sila makapagbibigay ng karagdagang impormasyon sa ngayon. Ayon sa isang dokumentong sinuri ng AFP, naganap ang umano’y krimen sa isang luxury hotel sa Stockholm, ngunit ni-redact ang mga pangalan ng biktima at suspek.

Ayon sa Expressen, si Mbappe ay 'reasonably suspected' o may mababang antas ng suspisyon sa ilalim ng Swedish legal system, na hindi sapat para siya'y arestuhin o pormal na makasuhan.

Ang French star na hindi kasali sa huling mga laro ng France para sa UEFA Nations League ay bumisita sa Stockholm kasama ang ilang mga kaibigan. Mula sa kanilang dinner sa isang restaurant hanggang sa pag-party sa isang nightclub, umalis sila ng bansa noong Biyernes. Ang reklamo ay isinampa ng umano'y biktima matapos magpa-medical exam. Nakuhanan na rin ng ebidensya ng mga pulis, kabilang ang ilang damit.

Nagpahayag si Mbappe sa social media na ito'y bahagi ng isang conspiracy, lalo na't may hearing siya sa French League kaugnay sa kanyang reklamo laban sa dating club niyang PSG dahil sa hindi bayad na sahod na 55 million euros.

Stellar Career
Si Mbappe, na sumikat noong teenager pa lamang, ay hindi napapasama sa mga ganitong klaseng kontrobersiya. Matapos maglaro para sa PSG ng pitong taon, lumipat siya sa Real Madrid at naging isa sa pinakamataas ang sahod sa mundo ng football.