CLOSE

Nasira ang Ilong ni Mbappe sa Panalo ng France sa Euro 2024

0 / 5
Nasira ang Ilong ni Mbappe sa Panalo ng France sa Euro 2024

France's forward Kylian Mbappe breaks nose in dramatic Euro 2024 win against Austria.

DUSSELDORF, Germany – Matapos ang matinding salpukan, nabali ang ilong ng kapitan ng France na si Kylian Mbappe sa kanilang 1-0 panalo kontra Austria sa Euro 2024. Nangyari ang insidente sa 90th minuto ng laro nang magbanggaan ang ulo ni Mbappe at balikat ng Austrian defender na si Kevin Danso habang nasa ere sila.

Patuloy pa rin ang laro kahit nakahandusay si Mbappe sa loob ng box ng kalaban, hanggang sa senyasan ng Austrian goalkeeper na si Patrick Pentz ang referee na kailangan ng atensyong medikal ng Pranses na bituin.

Duguan ang puting jersey ni Mbappe habang inaalalayan siya ng medical team ng France sa gilid ng pitch. Nagbalik si Mbappe sa laro ngunit umupo agad, dahilan para siya'y ma-warningan ng yellow card dahil sa pagpasok nang walang pahintulot ng referee. Pinalitan siya ni Olivier Giroud.

Hindi pa matukoy ni Coach Didier Deschamps ang buong lawak ng injury ni Mbappe. "Siya ay kasama na ngayon ng medical staff. Hindi ito maliit na sugat. Alam kong laging pinag-uusapan siya, pero wala akong masasabi pang iba sa ngayon," ani Deschamps.

Kinumpirma naman ni Philippe Diallo, presidente ng French Football Federation, na hindi kailangan ng operasyon ni Mbappe. Ngunit uncertain pa rin ang kanyang paglahok sa susunod na laban kontra Netherlands sa Leipzig ngayong Biyernes.

"Mas malakas ang koponan ng France kasama si Kylian," dagdag ni Deschamps. "Kung sakaling hindi siya makalaro, lalaban kami nang wala siya. Kylian is Kylian, mas pinalalakas niya ang bawat team na kasama siya."

Sa kabila ng insidente, masaya si Deschamps sa resulta ng laro. "Magandang simula ang pagkapanalo laban sa kalaban na ito. Bagaman may mga pagkakataong mas maganda sana ang execution namin, ipinakita namin na handa kami sa laban," sabi ng coach.

Nagsimula nang may panalo ang France sa kanilang hangaring makuha ang unang European Championship title mula pa noong 2000.

RELATED:  Mbappe Hindi Sasali sa France Olympics