Ayon sa tungkulin nito bilang pinuno sa golf sa bansa na may responsibilidad na magpadala ng mga pambansang delegasyon sa mga internasyonal na kompetisyon, magdaraos ang NGAP ng mga eliminasyon sa magkahiwalay na linggo sa Philippine Navy at Luisita courses.
Ang Navy course ang magiging venue para sa mga kwalipikasyon para sa torneo na nakatakda sa Hulyo sa San Diego, California para sa tatlong age-group divisions: ang 11-12 years, 9-10 years, at 7-8 years para sa mga boys at girls sa May 6-8.
Samantala, sa Luisita naman gaganapin ang kwalipikasyon para sa mga 13-14 years at 15-18 years age brackets din para sa mga boys at girls sa April 26-28. Hindi na magkakaroon ng 6 years and under classification matapos na desisyunan ng mga tagapamahala na tanggalin ito.
Kamakailan lamang ay nagkasundo ang NGAP at ang mga tagapamahala ng prestihiyosong junior golf competition na ibigay sa una ang solo na autoridad na magsumite ng opisyal na mga kinatawan ng Pilipinas batay sa mga slot na itinakda para sa bawat age-group.